Pagmamasid

Pagmamasid

ni Redzi Mar Yambao

Naranasan mo na bang magmasid sa mga bagay na pumukaw ng iyong atensyon? Na kung saan ay nagmamasid ka dahil iyong ninanais maghanap ng kasagutan at magkaroon pa ng mga karagdagang ideya tungkol sa iyong mga katanungan. Ang pagmamasid ay kinakailangan ng analitikal at masusing-pagiisip upang ng sagayon ay makahanap ka ng kasagutan sa iyong mga katanungan na maaaring magbigay liwanag sa iyong mga problema. Kung naranasan mo nang magmasid maaaring pamilyar sa iyo ang aking mga naranasan na may gamit ng pagmamasid katulad na lamang ng eksperimento na isinasagawa naming sa aming asignaturang-agham. Ang kadalasang iyong dapat gawin pagdating sa eksperimento na iyong isinasagawa ay pagmasdan ito at obserbahang mabuti upang ikaw ay makalikom ng mga ideya at detalye na lubos na makakatulong sa iyo. Nararapat na iyong obserbahan ang kaakaibang katangian ng bagay na iyong pinag-eksperimentuhan at ang mga katangian na ito ay dapat mong ilagay sa papel ng sagayon ay hindi mo makalimutan ang mga obserbahan mong katangian sa isang bagay na iyon.

Pagkatapos monng mailathala ang mga katangian na iyong na obserbahan sa iyong eksperimento ay iyong suriin kung bakit at ano ang dahilan ng pinagmulan ng katangian na iyon upang iyong ma solusyunan ang iyong mga problema, ito din ay kabilang sa mga proseso ng pagmamasid. Kung iyong naranasan ang pagmamasid hindi din mawawala ang paglilikom ng mga impormasyon at detalye tungkol  Sa isang bagay na iyong inobserbahan dahil ng sagayon ay iyong lalong maunawaan ang mga bagay na kung saan ay iyong ginamitan ng obserbasyon at pagmamasid na kinakailangang gamitan ng karagdagang impormasyon at detalye na makakatulong sa iyong mga katanungan tungkol sa bagay na ito, isa din ito sa mga iilang proseso ng pagmamasid. Makakalikha na tayo ng konklusyon tungkol sa ating mga problema dahil nasagot na natin anf gating mga katanungan at magkakaroon na tayo ng kaliwanagan sa ating mga problema tungkol sa bagay na isinagawan natin ng pagmamasid.

Ang aking karanasan na ito kaugnay ang pagmamasid ay parang proseso nadin ng pamimilosopiya. Kailangan muna natin ng isang bagay o pag-eeksperimento kung saan maaari nating maisagawa ang pagmamasid. Ang pamimilosopiya ay binubuo ng mga proseso na makakatulong sa pagbibigay liwanag at sagot sa ating mga katanungan. Katulad na lamang ng pagkuha ng mga bagong ideya na kung saan nagmumula an gating pagkilatis sa bagay na ating nasilayan at naranasan ditto sa ating mundo na kung saan ay pagdami ng iyong pagtuklas ay dadami rin ang iyong mga katanungan ukol sa iyong mga bagong kaalaman. Ang pamimilosopiya ay punung-puno ng pagtatanong, pagtataka, at pag-aalinlangan na makakatulong din ng lubos sa atin upang ating makamtan ang mga kasagutan sa ating mga katanungan . Sa pamimilosopiya na kaugnay sa aking pagmamasid kinakailangan nating gamitan ng obserbasyon at pagsusuri na kasama ang pagkuha ng impormasyon at detalye sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng pagmamasid na ginagamitan ng obserbasyon at pagsusuri maging analitikal at masusing-pagiisip.

Ibibigay ko sa iyo ang mga ideya na lubos na makakatulong upang iyong lubos na maunawaan ng maayos ang aking proseso ng pamimilosopiya. Katulad na lamang ng pagmamasid, kailangan nating maglikom ng mga karagdagang impormasyon at detalye sa mga bagay na ting isinasagawan ng pagmamasid upang makatulong at maunawaan natin an gating mga tanong sa paghahanap ng mga kasagutan. Kailangan nating gamitan ng analitikal na pag-iisip ang mga impormasyon at detalyeng ating nalikom upang makakuha ng mga kasagutan. Sisimulan na natin ang obserbasyon sa bagay o pagmamasid na kung saan hinahanap natin ang mga katotohanan o kasagutan sa ating pamimilosopiyang isinasagawa. Matapos ang ating obserbasyon ay kailangan na nating ilathala ang mga katangian na ating nakuha sa pag-oobserba na makakatulong sa pag-bibigay sagot at liwanag sa mga problema. Pagkatapos nito ay makakalikha na tayo ng konklusyon na puno ng kasagutan dahil atin nang nagawa ang mga proseso ng pagmamasid.

Sa ating henerasyon na ito kinakailangan na bigyang halaga ang mga proseso ng pagmamasid dahil makakatulong ito sa pagsagot ng ating mga katanungan sa mga bagay-bagay. Marami man ang gumagaamit ng internet upang makalikom ng impormasyon sa mga bagay na inoobserbahan mainam padin na tayo ay mag obserba o magmasid sa personal dahil ditto tayo mas matututo. Para sa akin tama lamang ang mga prosesong aking nagamit sa pamimilosopiya na ito ng pagmamasid dahil ako ay nakakuha ng kasagutan sa aking mga katanungan at ito ay madalas narin na aking nararanasan sa asignatung-agham. Mahirap mang magsagawa ng pamimilosopiya, ito ay ating malalampasan kung tayo ay determinadong sagutin at solusyunan an g ating mga katanungan at problema dahil walang imposible sa buhay kung ikaw ay determinado. Katulad na lamang ng pagmamasid na kung saan naghahanap tayo ng mga impormasyon at kasagutan sa ating mga katanungan sa pamamagitan ng mga proseso at sa tulong nadin ng ating analitikal at masusing pag-iisip na na ginagamitan ng ating karanasan.

RECENT POSTS