Hagkan ang Paglaya

Hagkan ang Paglaya

ni Roxane O. De Leon.

Paglaya sa kamangmangan, Pagyakap sa katotohanan
Bagay na siyang mahirap mahagip
subalit kinakailangan nating makamit
At bilang isang kabataang pilipino,
kagaya mong nalilito
Naghahanap, nagtatanong, humahalungkat ng sagot
kung bakit nga ba patuloy ang sigalot,
kung bakit nga ba ang sarili nating isipan ang salot
Totoo, mahirap kalabanin ang sariling kamangmangan
At kung patuloy na paiiralin ang kamalian
Ito ang magiging dahilan ng paglimot natin sa katotohanan
Kung kaya’t talasan ang pandinig
Pakinggan ang aking mga sinasambit

Sa pagmulat ba ng iyong mata ano nga ba ang iyong nakikita?
Hindi ba ang iyong sarili na hinahangad ang kabuuan
Ang kabuuang hinahanap sa sarili na inilalantad ng may paninindigan
Paninindigan galing sa sarili at hindi sa iba

Sa malayang pagpapahayag ng saloobin
Makakamit nga ba ang tunay na paglaya?
Paglaya sa kamangmangan,
sa mga hinanakit, poot at pasakit

Pilosopiya ang siyang nagbubuklod ng kaalaman
kung paano natin makakamtan
Makamtan ang kalayaang meron naman talaga tayo
ngunit hindi natin magamit ng naaayon

Ako, o maging ikaw ay nakakulong sa matinding dagok ng nakaraan
Mahirap balikan pero nakasarado pa rin ang pusot isipan
upang mayakap ang katotohanan
na gustong linawin noon pa man

Katulad ko, alam kong hangad mo rin makamit ang paglaya
Umusad at maghangad ng kagalakan
Ganap na kalayaan ay gustong makamtan
kaya dapat tayong bumangon sa katamaan

Paglaya, paglaya sa kalungkutan
Paglaya sa mga mapanlinlang na kasinungalingan
Pagtanggap ang isa sa mga paraan
na magdadala sa ating sa magandang pamumuhay

Pagtanggap sa ating hangarin at kagustuhan
Katotohanan o realidad na buhay
Tumatalakay sa pagiging malaya, maging ikaw o ako
sa isang ginagalawang mundo