Bakit Lagi Nalang ‘BAKIT?’

Bakit Lagi Nalang ‘BAKIT?’

Bakit

Bakit lagi nalang bakit?
Wala na bang galak na sayo’y nakakapit?
San ka tutungo,
Kung puro pagdududa ang nasa ulo?

Bakit lagi nalang bakit?
Meron na bang ibang nakaakit?
Hindi pa ba sapat ang sinag ng Kanyang pagmamahal,
kaya ikaw ngayo’y napapagal?

Bakit lagi nalang bakit?
nahihiya na bang lumapit?
Nawawala na ba ang sigasig
kaya nahihirapang manumbalik?

Bakit lagi nalang bakit?
Wala na bang mata ang maipipikit?
nabulag na ba sa liwanag ng kasakiman
o nagbubulag-bulagan lang pagkat puro masama na ang pinanghuhugutan?

Bakit lagi nalang bakit?
Pwede namang ‘paano?’ at hindi na ‘bakit?’
kaya siguro di mapakali at hindi makalapit
pagkat kinakain ng mga katanungang ‘bakit?’

Paano lalabanan?
Paano iiwasan?
Mga katanungang
dapat isaalang-alang

Paano tutugon?
Paano magpapatuloy?
Mga katanungang dapat sagutin
sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin.

Paano mananatili?
Paano ititigil ang paghikbi?
Mga katanungang nasa Diyos ang kasagutan,
kaya Siya lang ang dapat kapitan.

HUWAG NANG ITANONG KUNG ‘BAKIT?
MAGING POSITIBO AT ITANONG KUNG ‘PAANO?’

What is poetry?