Sa Kanlungan ng Ulan

Sa Kanlungan ng Ulan

sky, clouds, rays-1365325.jpg

Tumingala ako sa anino ng langit
May kilabot kong nawatasan
nagbabadyang kalungkutan
Inawat ng walang mukhang karamihan
Patungo sa komportableng silungan
Gayun pa ma’y nanatili’t sinamahan
Ng ilang pinagtibay ang kalooban
Tik… at dumampi ang unang patak ng langit
Akala ko saki’y tatabla ay hiyas na itim,
Akala ko na syang dahilan ng dilim
Sa unang patak ay diyamanteng kumikinang
Sa pisngi ko’t katawa’y humahalik ng walang pakundangan
Na siya naman saki’y nagdulot ng di maikubling ngiti
Di mabilang na patak na sa akin ay dumarampi
Sa bawat patak animo’y di matatapos na sandali,
Noong una’y may nginig at kilabot pa sa lamig,
kapag-dakay napalitan na ng pagka-hilig
Sa bawat patak di lang lupa ang nadidiligan,
Kundi pati kaluluwang landas ay di mawatasan.
Napawi na ang buhos ng langit
babalik na ba ang pait?
ngunit sa paligid ko ngiti ang nakaguhit,
sa aking muling pagtingala
ako’y natulala sa animo’y isang himala
kalangita’y balot pa rin ng kadiliman
Ngunit damang-dama naman init ng mga tala nitong nilalaman.

#ParaSaMgaSinulidNaLangAngKinakapitanPeroHindiPaRinTinuluyan

Isang Bulyaw Isang Hiyaw Hugot Mula sa kaibuturan ng ating kalooban kung saan nanahan tunay nating katauhan✊✊💪.