Pananaliksik

Pananaliksik

ni Anne Marie Ignacio

Noong nasa Junior High School pa lamang ako madalas ko ng naririnig sa mga kaibigan, kaklase at mga kakilala ko ang tungkol sa pananaliksik o research paper sa ingles. Dahil pagtungtong mo daw ng senior high school at kolehiyo, isa ito sa mga asignatura o “subject” ang pananaliksik na mayroon ka at iyong mararanasan. Madalas nilang sabihin at inilalarawan na ang asignaturang ito ay sadyang kay hirap, komplikado at kailangan ng mahabang pasensya. Maaaring gawin n’yo daw ito na may kasamang mga kagrupo o kaya naman ay indibidwal na tiyak daw na di mo magugustuhan at ikakatuwa, ngunit ito ay nakadepende sa desisyon inyong magiging guro. Kaya noon pa man, hindi ko pa man nararanasan na mapasukan ang asignaturang iyon dahil wala pa naman kami ng ganoong asignatura noong highschool ay parang ayoko na at kinatatakutan ko na agad dahil sa aking mga naririnig na komento ukol sa asignaturang nabanggit.

Ang pananaliksik daw ay isang pag aaral na mahirap, mabusisi at marami at mahabang proseso na kakailanganing gawin upang makagawa ka ng isang pananaliksik sa mga bagay bagay. Ito rin ay may maraming kabanata, kung hindi ako nagkakamali ito ay mayroong limang kabanata na may iba’t ibang bahagi o parte kada kabanata. 

Kaya noong makatungtong ako ng senior high school noong nakaraang taon, isa sa mga asignaturang kinakatakutan ko noon pa man na asignaturang pananaliksik ay nagkaharap na kami, ang asignaturang practical research. Sa tuwing darating ang oras na iskedyul ng asignaturang ito, lagi akong tutok at maiging nakikinig sa aming guro na nag idinidiskusyon at itinuturo dahil kahit na kinakabahan ako sa tuwing ito ang asignatura, pinipilit ko at gumagawa ako ng paraan upang ako ay makasabay at maunawaan ang mga paksang tinatalakay. Bawat kakailanganing hakbang ay dapat na malaman, upang hindi magkamali at maitama ang mga kaalaman, impormasyon at karunungan na ating mga gagawin at sasaliksikin. 

Dumating na ang panahon at oras na kami ay inatasang gumawa ng isang pagsasaliksik tungkol sa mga bagay o isyu na nauuso. Hinati kami sa grupo at nagkaroon ng pagpapaliwanag sa bawat hakbang na kailangan malaman upang kami ay makagawa ng maayos at tama. 

Nagsimula ito sa introduksyon, kung saan ihahayag dito ang mga nilalaman at impormasyon at kung ano ang paksang tatalakayin at nakapaloob sa aming gagawing pananaliksik. Sinundan nito ang Kabanata I, dito napapaloob ang mga sumunod; suliranin, saklaw at limitasyon at ang katuturan ng mga salitang ginamit, kaligirang pangkasaysayan, balangkas teoretikal at konseptwal, kahalagahan ng pag-aaral. 

Ang sumunod ay ang Kabanata II, nandito naman yung mga kaugnay na pag-aaral at literatura, andito yung banyaga at lokal na pag-aaral at literatura. 

Ang Kabanata III ay tungkol naman ito sa metodo ng pananaliksik, hindi ito ang pagkakasunod sunod pero ito ay kung ano ang pamamaraang ginamit sa instrumento, populasyon, deskripsiyon ng respondente o mga taong kasali/bahagi ng pananaliksik,  at ang uri ng estadistika.

Ang pangalawa sa huli na kabanata ay ang kabanata IV, dito ay ang paglalahad, pagsusuri at pagpapahalaga sa mga datos at mga impormasyon.

At ang huling kabanata ang Kabanata V, dito nakalagay ang paglalagom, natuklasan, konklusyon at rekomendasyon. 

Kung iyo nga namang titignan ang mga hakbang sa paggawa ng isang sanaysay, maiisip mo na agad na ito ay talagang hindi madali, masalimuot, mabusisi at kailangan ng mahabang oras at pasensya. Dahil mukang nakakaubos ng pasensya sa dami at haba ng proseso at oras na kakailanganing pagdaanan at maranasan sa paggawa ng isang pananaliksik. Hindi mo rin ito agad mauunawaan kung hindi mo iintindihin at uunawain ng mabuti at malalim. 

Ang pamimilosopiya ay parang pananaliksik, kung saan ito ay kakailanganing dumaan sa mga proseso, oras at panahon. Dahil ang pamimilosopiya, ito ay ang paghahanap mo ng katotohanan, pagsusuri, paghahanap ng karunungan at pangangatwiran. Parang sa pananaliksik kailangan at dapat nating magbasa ng mga pag aaral at maraming literatura para mapili at makuha ng maayos at mabuti ang mga pagkukuhanan natin ng impormasyon, detalye at mga datos na totoo at maaasahan sa iyong mga mababasa dahil ito ang gagamitin sa pag aaral sa pananaliksik na magiging batayan sa kakalabasan o resulta ng  pag-aaral. 

Ang pamimilosopiya ay kakailanganing ng malalim na pang unawa at pag intindi, dahil hindi lahat ng tao ay kayang maintindihan ito ng madalian, kailangang unawain at pag isipan nang sa gayon ay makuha at matutunan ang pinupunto ng isang pilosopiya. Kagaya ng sa pananaliksik, hindi mo mauunawaan kung hindi mo babasahin at iintindihin, hindi mo maiintindihan at unawaan ng isang tingin, kailangan mong suriin at paglaanan ng oras at panahon para maintindihan.

Kaya sa pilosopiya at pananaliksik, kailangan nating lumalalim, maglaan ng oras, panahon at atensyon upang maintindihan, maunawaan ng maayos at mabuti. 

RECENT PostS