Motibasyon

Motibasyon

ni Angelica Dollendo

Motibasyon ang pundasyon para makakuha ng iyong gustong marka at bulaklak mula sa kanila. Dito ka magsisimula upang makapag isip ng maayos sa mga isusulat mong tula o ikaw ay maglalaro ng tanyag mong gawa. Ngunit lumilipas ang maraming araw, tila ako ay matamlay at  nagmumukhang lantang gulay. Kailan. Kailan nga ba ako huling nagkaroon ng motibasyon? Kailan nga ba babalik ang aking motibasyon? Bakit nga ba ako nawawalan ng motibasyon? Mga katagang bumabagabag sa akin, umaga hanggang gabi. Hindi ko masagot ang katanungang araw araw kong iniisip. 

Naglinis ako ng aking silid. Magulo at madumi. Napaisip ako muli. Bakit ang gulo? Ganito na ba ang aking mundo? Ganito na ba kagulo ang aking pag iisip? Dahil may nabasa akong isang kataga na nagsasabing “Kung gaano maayos at malinis ang iyong mga kagamitan, ganuon rin maayos ang iyong kaisipan” tagos sa akin ang katagang iyon. Ito na nga ata ang linyang hindi ko makakalimutan. Nakita ko ang aking mga nakaraang gawa. Nakatulala. Napangiti. Napasabi na lamang na “ang galing ko noon, anong nangyari sa akin ngayon?”.

Kumupas na ang sining at disenyo sa aking isipan, nahihirapan akong mag pokus sa mga gawain. Hindi ako ito. Gusto kong ibalik ang dati kong pagkatao at sigla. Nakakaiyak. Napaka sakit sa damdamin, hindi ko lubos na maisip kung ano nga bang nangyari. 

Para akong nananaginip (napa kurot sa pisngi) akala ko guni guni, totoo pala ang aking nakita. Minsan ako’y nagtataka, dahil minsan magalak ako sa paggawa at kung minsan ay hindi. Ano nga ba ako? Isang elyen? Elyen nga ata ako dahil ganito ang aking nararamdaman at nagagawa sa pang araw araw na buhay. Ibig kong takasan, pasakay naman sa inyong spaceship. Lilipad at mag palutang lutang lang. Tamang tulog lang habang nakalutang. Pahiram narin ng kapangyarihan, tatalunin ko lang si Pacman. 

Sanaol palutang lutang at pasakop sakop lang ng ibang planeta…

anaol tamang lipad lang kahit saan naisin…

Kaya maihahalintulad ko ang pamimilosopiya sa motibasyon. Ang lahat ng tao ay mayroon nito. Ito ang susi sa pagbangon mo sa buhay. Para saan ka ba kasi bumabangon? Ako bumabangon para sa pagsasabi ng “present” sa adviser’s check in. Ikaw, para saan o baka naman para kanino ka bumabangon? Baka kasi kaya ka bumabangon para sa kaklase mong nag papabukas ng kamera sa online class

Mali iyon ‘tol. Aral ang hinahabol hindi ang pag ibig…

Mabalik tayo. Ang pamimilosopiya ay dapat nating pinagtutuunan ng pansin. Kagaya lamang ng motibasyon, hindi tayo mabubuhay kung wala nito. Nangangailangan tayo nito sa pang araw araw. Dito tayo sinusubok ng pag iisip ng malalim at pag intindi sa mga bagay bagay. Madalas tayong naguguluhan sa ating pag iisip, dahil hindi natin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pamimilosopiya. 

Ang motibasyon ay madalas na mahirap intindihin, nawawalan ka bigla bigla, at nagkakaroon ng ideya. Hindi mo alam kung kailan dumalaw ang pagsubok sa iyong buhay. 

Maraming konsepto ang nakapaloob sa motibasyon. Katulad na lamang ng bakit tayo mayroon nito, bakit tayo nawawalan at nagkakaroon, kailan natin ito pwedeng magamit at hanggang saan ito maaaring magamit. 

Ang motibasyon ay marahil na hindi natin nahahawakan at hindi ito isang bagay. Pero mayroong mga taong makakapag bigay sayo ng motibasyon.

Kagaya ng pamimilosopiya, kung hindi natin ito aaralin hindi mo malalaman ang tunay na depinisyon nilang dalawa. 

Saan nga ba nanggaling ang motibasyon? Bagaman mahirap sagutin wala akong magagawa dahil ito ang naisip kong tanungin. Ang motibasyon ay pwedeng makuha sa mga karanasan mo na masyado mong pinagtuunan ng pansin dahil gusto mong umayos ang iyong sarili. Maari mo ring makuha ang motibasyon sa mga taong nakapaligid sayo, mga taong naniniwala sa kakayahan mo at pinagkakatiwalaan mo. Maaari ka sa kanilang humingi ng tulong at aral upang mas maintindihan mong mabuti at mabalik ang sigla sa iyong sarili. At higit sa lahat sa sarili mo, oo may mga tao ang pwedeng paghatakan ng lakas ng loob pero asa sayo parin ang alas o ang tinatawag natin sa tagalog na desisyon. Ikaw parin ang gagawa. Ikaw parin ang maglalathala. Ikaw parin ang kikilos.

Huwag mong iaasa na sa isang araw na paghingi mo ng tulong ay magkakaroon ka na agad ng motibasyon. Ipasok mo sa isipan mo at aralin mong mabuti ang kanyang sinabi. 

Ttiwala ka sa sarili, iyon ang una mong pagtuunan ng pansin.

Sa aking mga impormasyong ibinigay, sana ay may matutunan kayo. Alam kong mahirap intindihin ang pamimilosopiya, pero sa tulong naman ng “Google” maaari kang matuto at mag hagilap ng mga impormasyon. Pero hindi madaling intindihin ang pamimilosopiya, kahit pa man madami kang mababasa kung hindi mo ito pinagtutuunan ng pansin at iintindihin, wala ring mangyayari. Mas masarap magkaroon ng katuwang sa mga ganitong bagay dahil malay mo sila na ang makakapag bigay sayo ng aral.

Sabi nga ni Friedrich Nietzsche “Ang bawat malalim na nag-iisip ay mas natatakot na maunawaan kaysa sa hindi maunawaan” na totoo naman. MInsan mas natatakot tayong mas maintindihan ang mga bagay dahil baka kapag naunawaan natin ay mas lumaki ang ating ulo. Maihahalintulad lang yan sa pamimilosopiya, kung alam mo na ang tunay na depinisyon nito hindi mo dapat ipagmalaki dahil marami pang nakatagong teorya ang dapat mong malaman. 

Makipag kompetensya ka na lang sa panaginip mo kay Aristotle para mas maintindihan mo lalo ang tunay na ibig sabihin ng pamimilosopiya. Baka tulungan ka pa nya gumawa ng mga aktibidad mo sa mga pag aaral. 

Hanggang dito na lamang tayo baka tumalino ka na sa mga binibigay kong impormasyon. Nanunuyo na ang utak ko mapapakanta na lang siguro ko sa iba ko pang gagawin at ipapasa nang “siguro nga’y wala ng natira…” ikaw na bahala magdugtong. Patuloy mo lang ang paghahanap ng sagot sa pagbabalik ng iyon motibasyon, kapag hindi mo parin mahanap ang sagot maghanap ka na kay pareng google at kay mareng brainly tsaka sa tiktok academy

RECENT POSTS