Libro

Libro

ni Bernalhet Cabrera

Mahilig kabang sumulat? O ang magbasa ng libro?. Tuwing pupunta tayo sa mall madalas tayong napapadaan sa isang bookstore, tumitingin ng mga pabalat at titulo ng maaaring umakit sa ating paningin na tila nanghihikayat na ating basahin. At kung titignan naman ang titulo ng isang libro ay hindi mo agad mauunawaan ang kabuuan ng nilalaman nito, gayon din sa pamimilosopiya na agad ay may kasagutan sa masalimuot na paksa. Maraming iba’t ibang uri ng libro, mayroong pang edukasyonal o di piksyon at mga piksyon. Maihahalintulad ko ang pamimilosopiya sa kung paano isinusulat ang isang kwento o ang nilalaman ng isang libro. Sa piksyon na libro ay halos mga istorya ang nilalaman, at dito maraming bagay na nagaganap kung saan mapapaisip ka sa sunod na mangyayari na habang patuloy kang bumabasa ay nasasagot nito ang iyong katanungan. Kung titignan ang pabalat ng isang libro ay may mga katanungan ng pumapasok sa ating isipan. Kagaya ng “Ano kaya ang nilalaman nito?” “Maganda kaya ang mga salitang nakapaloob dito?” parang sa pilosopiyang mga tanong na gusto mong sagutin. At sa bandang huli ay bibilin mo ang libro upang masagot ang mga katanungan.

Sa kabilang banda mayroon itong iba’t ibang bahagi ng kwento kung saan unti unti mo itong mabuo kapag ito ay na kumpleto. Nariyan ang simula kung saan nagpapakilala ng tauhan at tagpuan, ikalawa ang saglit na kasiglahan kung saan paunti unting lumilitaw ang problema, ikatlo ang suliranin kung saan nangyari na ang problema, ika-apat ang kasukdulan dito unti unting nagkakaroon ng solusyon sa isang problema, ikalima ang kakalasan kung saan tuluyan ng nasagot ang problema, at wakas kung saan binabanggit ang kahinatnan ng ng isang storya. . 

  Atin pa itong palawakin na sa nilalaman ng isang libro ay may simula kung saan ipina pa kilala ang mga tauhan at tagpuan at dito din kailangan kilalanin ng mambabasa ang mga tauhan dito din ang parte kung saan hindi mo maintindihan agad ang kabuuan ng kwento. Parang sa pamimilosopiya kung saan mayroong malalim at masalimuot na paksa at mahirap intindihin kaya kinakailangan kilalanin mo muna ang pangunahing ideya at impormasyon bago ito ilahad dahil ito ay ang pinaka importanteng bahagi sa pag iral ng isang ideya. Sunod ay ang saglit na kasiglahan kung saan unti unting pumapasok sa isang suliranin. Gayon din sa pamimilosopiya kung saan may mga nararanasang problema sa bawat proseso kagaya ng mga impormasyong hindi makatotohanan kapag ika’y nangangalap. Sunod na dito ay ang suliranin kung saan dito pumapasok ang pinaka problema ng isang kwento. Parang sa pilosopiya kung saan hindi natin mahanap ang sagot sa mga mahihirap na katanungan pumapasok sa ating isipan at ito ang nagsisilbing malaking problema dito. Sa kasukdulan naman ay unti unting na solusyonan ang problema, habang sa pilosopiya ay unti unting nasasagot ang mga katanungan. Sunod ay ang kakalasan, ito ay ang naging tulay sa pangwakas at masosolusyonan na ang mga problema rito, at sa pilosopiya naman dito na tuluyang nasagot ang lahat ng katanungan. At ang paghuli ay ang wakas kung saan nilalahad ng manunulat ang pinaka mensahe sa librong binasa. At sa pilosopiya naman dito nadin inilalahad ang naging konklusyon sa prosesong pinagdaanan at nagkaroon ng tama at eksaktong kasagutan sa mga katanungan sa simula pa lamang.  

Ang nakasaad sa isang libro ay kagaya lamang ng pamimilosopiya na binubuksan ang ating isipan upang mas lalo nating maunawaan ang mga bagay bagay. Lahat ng tao ay may kakayahang bumuo ng storya, ngunit hindi lahat ay mayroong interest sa pagpapalawak nito. Parang sa pamimilosopiya na lahat ng tao kaya ito ngunit hindi lahat ay may malawak na  interes sa gawin ito lalo’t na ito ay hindi basta basta lamang. Bagkus ito ay kinakailangan ng malawak na imahinasyon upang mas maintindihan ang malalim at masalimuot na mga salita.

Recent posts