Sa Kaibuturan ng Kahapon at Ngayon

Sa Kaibuturan ng Kahapon at Ngayon

Sumipol ng banayad ang hangin upang maibsan nadadamang hapdi ng init ng dalamhati.
Sa hampas ng daluyong ako’y naglunggati
Nanalanging mabalik ang mga yakap at ngiti.

Ngunit pag amin ay sa akin na lamang
Ang sa iyo nama’y paalam na lang
Kung paalam pang maituturing
Bakit dala tanan kong hiking

Sa aking paghiga’y tusok ng lumbay
Sa aking pagbango’y pangungulilang lumalatay
Sa aking pagdilat ay umaalingaw-ngaw na dilim
Sa aking pagpikikit pag-iisang karima-rimarim

Mahahagilap ko pa nga ba
Liwanag na noon sa akin ay humalina
Sa malumbay na landasin
Ang ako ba’y makatatagpo pa ng matatawag na akin?

RECENT POEM POSTS