MEDUSA
Paano nga ba ilalarawan ang saki
Tama na bang ihambing sa amplaya ang paint,
Ang hapdi ng pagtanggi’y kaya bang ikubli
Itago ng lukot na noo at pilit na mga ngiti?
Halika’t damhin mo ang pighati ng aking puso
Ngunit saglit ito nga pala’y nasa iyo na,
Nasa iyo na pero ba’t naman piniga at tinusok
Sa hapdi at sakit nais ko ng mag-amok
Ngunit sa kabila ng sakit at hapdi, sabay ng tusok at pig
Maganda mong ngiti sa akin ay nagpahina
Sa’yong maaming mukha’y na napaluhod at nalugod,
Sino bang makakayang sa ganda mo’y tumalikod?
Tibok ng puso mo’y tibok na rin ng puso ko
Ang hapis mo’y aakuin na rin ng katawang into
Sapagkat sa pag-iisa’y di hinahanap ang pinag-iba
Sa pag-iisa’y pagkakaparehang maaring ugat ng matibay na pag-sasama.
Halina’t angkinin puso ko’t kaluluwa
Ambunan mo lang ako ng pag-asa
Pag-asa na sa dulo nitong nobela
Mayroong pag-iisa ng dating dalawa.
RECENT POEM POSTS
Medusa – World History Encyclopedia