Dalampasigan

Dalampasigan

ni Florabelle De Leon

Pagibig ko sayo’y kailanman ay hindi masusukat ng kahit na sino.
Makikita at madarama, sa puso’y Ikaw pa rin ang numero uno.
Iyong mga kataga na noon ay sinambit,
Hanggang sa pagtanda ito’y nakaukit.

Lungkot ay nadarama, sa araw-araw na lumilipas.
Hiling ko sayo’y maging ibon na pumapagaspas.
Nawa’y maabot pangarap na gustong makamtan.
Pangarap na Minsan ng ipinagpaliban at tinakasan.

Minsan Hindi natin maintindihan ang sinasabi ng mundo.
Minsan ko ng tinanong, bakit may mga ganitong tao.
Pinapahiram sayo sandali,
Pero agad rin namang binabawi.

Sa kabilang dako’y kailangang tanggapin,
Makinig sa agos ng dagat, sa ihip ng hangin.
Malalaman ang sagot, basta pakinggan laman ng puso.
Magmahal, magpatawad at sundin ang gusto.

Kailangang bumangon sa hinagpis ng kahapon.
Lungkot at lumbay iukit na lamang sa dahon.
Magpatuloy hanggang sa makamtan pangarap na inaasam,
Kaligayaha’ ibibigay rin ng Poong maykapal.

Sa pagsikat Ng Araw Dala nito’y pag-asa.
Walang masama kung ikaw ay aasa.
Sa panibagong yugto ng iyong buhay,
Sa panibagong tao na maaaring maging karamay.

Pagkatapos ng madilim na yugto ng buhay,
Panibagong pag-asa sumisilip na tuna,
Problema’y dinadaanan lamang,
Kailanma’y hindi dapat tinatambayan.

Masakit man ang nakaraan,
Pero dapat matuto at talikuran,
Sakit na nadarama, luhang papatak na
Ubusin na at tingnan ang susunod na pahina.

Sa mga taong palaging nakaalalay,
Sumuporta at nakinig sa lumbay ng buhay,
Salamat, sa pakikinig kaibigan Kong Mahal,
Hayaan mo’t Ikaw ay palaging ipagdarasal.


Dalampasigan



RECENT POETRY POSTS