Bulaklak

Bulaklak

ni Florabelle De Leon

Sa tuwing ika’y pinagmamasdan,
Maraming tumatakbo sa aking isipan,
Tila parang isang karanasan
Na dapat ng kalimutan

Sa bawat talutot ng bulaklak na into,
Maaalala ang mga taong hindi naging totoo
Pero sa kabilang banda’y dapat maging aral
Para maging handa kung ibigay man ang dasal

Bulaklak, o mahal na bulaklak
Makita mo sana ang inaasam na halakhak
Nawa’y mamukadkad ka at makita ang liwanag
Nawa’y sa mga darating na araw, mawala na ang bagabag.


Bulaklak


RECENT POETRY POSTS