Bayang Mapanglaw

Bayang Mapanglaw

ni Rey David T. Enriquez (2016)

I

Tao’y punong-puno ng kapighatian

Sa mapanglaw na araw ng ating bayan.

Patak ng ula’y tumutulo sa mukha

Sa pagbabagong pagsisisi ang bunga.

II

Itigil ang pagkitil sa walang laban,

Pagbabago ng kapwa’y bigyang katwiran.

Mga nangyayari’y ‘di mo ba alintana?

Mga tahana’y patuloy na nasisira.

III

Nais ko lamang daing na ‘to’y pakinggan

At ang kapayapaa’y bigyan ng daan,

Hiling ng bawat tao’y bigyang halaga

At pagmamahal ang ating italaga.

IV

Muling gamitin ang ating lalamunan

Dahil ating taglay ang kapangyarihan.

Oras na ng pagsasalita ng masa

Sa ‘di makataong pagsugpo sa droga.


Bayang Mapanglaw
ni Rey David T. Enriquez

Stop the Killings


Read Full Cases



RECENT POSTS ABOUT POETRY